TINATAYANG 180 THOUSAND PESOS, INAASAHANG MATATANGGAP NI TATAY LEON KASUNOD NG KANIYANG 100TH BIRTHDAY.
Binigyang pagkilala ng pamahalaang bayan si Tatay Leon V. Mesa na residente ng Brgy. San Jose, GMA sa kaniyang pagdiriwang ng ika-100 kaarawan kahapon, July 18.
Sa ilalim ng RA 10868 o Centenarian Law of 2016, makatatanggap ng P100,000.00 mula sa DSWD ang indibidwal na makaaabot sa 100 taong gulang. Ipinabatid naman ni Mayor Maricel E. Torres na maglalaan rin ng P30,000.00 bilang insentibo para kay tatay Leon habang nakatakda naman ang pamahaang panlalawigan na magbigay ng P50,000. Sa kabuuan, tinatayang P180,000.00 ang halaga na inaasahang matatanggap ni Centenarian Tatay Leon.
Ayon kay Mayor Maricel E. Torres, “Marapat lamang na bigyang parangal at kilalanin si Tatay Leon bilang pagbibigay inspirasyon at pagpapahalaga sa mga lolo’t lola.” Abot langit naman ang ngiti at nagpasalamat si Tatay Leon sa pagkilalang ibinigay ng Pamahalaang Bayan sa kaniya.