Civil Registration Month, Ipinagdiwang

Sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority – Cavite, ipinagdiwang ng lokal na pamahalaan ang Civil Registry Month sa pangunguna ng Municipal Civil Registry office na may temang “Shaping CRVs by embracing new trends in the 4th Industrial Revolution” noong ika-19 ng Pebrero, 2020 sa Agila Hall, Municipal Building.

Nagsagawa ng Civil Registration Quiz at Essay Writing Contest ang Municipal Civil Registry office para sa pagdiriwang ng nasabing selebrasyon. Kalahok ang mga iba’t ibang kinatawan ng bawat paaralan dito sa GMA, ang bawat isa ay nagpakita ng kanilang angking galing at talento.

Dinaluhan ng Punong Bayan Hon. Walter D. Echevarria Jr. at Ikawalang Punong Bayan Hon. Maricel E. Torres ang nasabing pagdiriwang na siyang nagbigay ng kanya-kanyang mensahe para sa lahat ng kalahok.

“Nawa ay patuloy niyo pong suportahan ang mga programa ng ating lokal na pamahalaan na siyang hakbang tungo sa pag-unlad ng ating bayan,” ani ni Mayor Echevarria sa kanyang mensahe. 

Hinirang na kampyon si Jan Clarence E. Buya (Gen. Mariano Alvarez Technical High School) sa Essay Writing at Angelo G. Regis (Grace Baptist Christian School) na nasungkit ang ikalawang pwesto at sa ikatlong pwesto naman si Lyka A. Dinglasan (Christian Grace School of Cavite).

Si Charmaine Rea D. Gonzales (Grace Baptist Christian School) ang siyang hinirang bilang kampyon sa Civil Registration Quiz habang si Nathaniel Ruel E. Miranda (Victorious Christian Montessori) ang siyang nakakuha ng ikalawang pwesto at si Paul John Henri De Claro (San Jose Community High School) ang hinirang sa ikatlong pwesto.

Lubos na nagagalak ang pinuno ng Municipal Civil Registry Office na si Ms. Nenita S. Cruz sa aktibong paglahok ng mga paaralan sa ating bayan gayun na rin sa tulong ng kanilang mga naging katuwang upang maisakatuparan ang pagdiriwang ng Civil Registration Month.