Sa isang makasaysayang pagkakataon, nagkaroon ng unang Pride Parade sa bayan ng General Mariano Alvarez noong ika-24 ng Hunyo na pinangunahan ni Mayor Maricel Torres, katuwang ang Municipal Health Office at dalawang aktibong organisasyon ng mga kabataan, ang Empowered Association of Systematic Youth – Pulido at Poblacion Youth Volunteer Network.
Ilan sa mga isinagawang aktibidad ay ang LGBTQIA+ One Day Volleyball League, Free HIV Testing, Pride Parade at Pride Night. Ang nasabing selebrasyon ay nagdulot ng malaking tagumpay at pagdiriwang para sa mga kasapi ng komunidad ng LGBTQIA+ at kanilang mga taga-suporta.
Ang GMA Pride 2023 ay naging isang mahalagang hakbang upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay, respeto, at pagtanggap sa mga miyembro ng makulay na komunidad na ito. Ipinakita ng bayan ng General Mariano Alvarez ang suporta at pagkilala sa karapatan ng lahat na mamuhay ng malaya at walang panghuhusga batay sa kanilang kasarian o pagkakakilanlan.
Ito rin ang nagsilbing patunay na ang GMA ay patuloy na nagsisikap para sa inklusibong bayan na may mga Kabutenyong Makulay na lumalaban sa Buhay!