GMA CAVITE – Binigyan ng tulong pinansyal at iba pang kagamitan ang mga hog raisers sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez na lubhang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Walter D. Echevarria Jr. at Ikalawang Punong Bayan Maricel Torres katuwang ang ating Municipal Agriculture Office noong ika-5 ng Pebrero, 2020.
Tinataya na mayroong 161 hog raisers ang siyang natulungan ng ating lokal na pamahalaan at nakatanggap ng 1,000 sa kada baboy na nakuha sa kanila sa ginanap na depopulation na nagsimula noong January 10 hanggang January 25.
Nasa 1,051 na baboy ang nakalap sa nasabing depopulation at isinailalim sa mga pag-aaral upang ito ay magpopositibo sa nasabing virus.
“Sa wakas ay tuluyan na nga po nating napuksa ang nasabing ang virus at pinahintulutang muli ang pagbebenta ng karne ng baboy dito sa ating bayan,” aniya ni G. Reynante Masigla, pinuno ng Municipal Agriculture Office.
Bukod sa tulong pinansiyal, nakatanggap din ang mga nasabing hog raisers ng mga gamit panglinis at disinfectant upang mas mapanatili ang kalinisan sa kanilang mga lugar.
Sa isang panayam kay Analyn Beltran na isang hog raiser mula sa Brgy. Granados, laking pasasalamat niya sa tulong na ito ng lokal na pamahalaan upang makabawi muli sa kaniyang hanapbuhay.
Inaasahan naman na sila rin ay makakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa pambansa at panlalawigang mga opisina sa lalong madaling panahon.
Para sa inyong mga katanungan o suhestiyon, makipagugnayan sa ating Municipal Agriculture Office sa numerong 443-9291.