“LGU GMA, Safety Seal Certified na”

Ginanap noong ika-7 ng Oktubre ang awarding ceremony ng Safety Seal Certficate para sa GMA Municipal Hall, Bureau of Fire (BFP), Municipal Police Station (GMA MPS), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). 

Ito ay matapos matagumpay na maipasa ang isinagawang Safety Seal Inspection ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa apat na establisiyemento sa Municipal Compound. 

Layunin ng Safety Seal Certification Program na patuloy na hikayatin ang mga pampubliko at pribadong establisiyemento gayundin ang lahat ng mamamayan na sumunod sa Covid-19 safety protocols.

Kabilang sa mga dumalo sa awarding ceremony at nagbigay ng makabuluhang mensahe sina Mayor Maricel E. Torres, Vice Mayor Angela Lenin Paycana, at MLGOO Reginaldo Revilla

Samantala, nakahanda na ang lokal na pamahalaan na mag-isyu ng Safety Seal Certficate sa mga pribadong establisiyemento sa bayan sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office (BPLO).