“Talentong GMA, nakikilala sa industriya ng musika”

Sa gitna ng pandemya, isang grupo ang determinadong dalhin ang pangalan ng GMA, Cavite sa larangan ng musika. Tara, kilalanin natin ang Southside Flavaz!

Binubuo nila LKZ (Kevin Carl Balane), Jinda (Efraim Barcenas), Jhave (Ryan Jave Simeon), Gko (Jhon Gerald Conde), Yhobjuan (Jass Nikk S. Isurda), Jhay Thugz (Markjhay Bonifacio Nioko), Nhobie (Aaron Valenzuela), Markinlance (Marc Lawrence Sauquillo) at EmceeJohn (John Mari Tizon Malapit) na nagmula at lumaki sa Metro San Jose, sila ay may iisang layunin: ang magbigay ng “positive vibes” at inspirasyon gamit ang kanilang talent sa pag-rap. Pinahayag ng iba’t ibang miyembro ang kanilang inspirasyon sa pag-rap, at ito ay ang kanilang mga pangarap. Bukod pa rito, ibinahagi nila na sa pamamagitan ng rap ay maaari nilang ipahayag ang kanilang musika, pagmamahal sa pamilya at dedikasyon upang maging boses ng mga tao para lumikha ng naaangkop na “lyrics” at musika na nagbibigay ngiti sa mga Pilipino.

Ayon sa kanilang manager na si DMNDxDEE (Mark Polong), pinakitaan siya ng grupong ito ng kakaibang potensyal na tila mahirap makita sa ibang rapper sa industriya–mindset. Ika nga niya, “Sharing positive energy to one another. It’s a gift eh. Nakita ko kagad sa kanila. The behavior, the attitude, they have it.”

Sa kanilang presscon at contract signing na ginanap noong January 10, 2021, sila ay nasa ilalim ng Black Diamonds Music PH. Music videos, a new song, and a full album – iilan lamang ito sa mga dapat nating abangan mula sa Southside Flavaz!

Bagong taon, bagong musika. Isa lamang itong patunay na hindi hadlang ang pandemya upang abutin ang ating mga pangarap. Para sa latest updates, inaanyayahan ang lahat na i-like ang official Facebook page ng Southside Flavaz: https://www.facebook.com/SouthsideFlavaz.Official/ at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel: https://www.youtube.com/channel/UCNrUzJRPNHeZMJmHWqFsgw.